Skip to main content

Gurong Matatag para sa Estudyanteng Masikap


Gurong Matatag Para sa Estudyanteng Masikap


Alas kuwatro pa lamang ng umaga, bukas na bukas na ang mga mata,

Bago pumasok sa eskwelahan, tanging kape ang sandata sa araw-araw na laban.

Kabadong iiwas sa iyong mga tingin, baka aking pangala 'y biglang banggitin. 

Ngunit napagtanto, gusto mo lamang na maipakita ko ang mas magaling na ako sa harap ng maraming tao. 


Guro, Ma'am, Sir, Teacher, Miss, Prof o minsa'y inay o itay

Sapagkat kayo ang nagsisilbing pangalawang magulang. 

Tinuturuan ng kung ano ang mabuti sa hindi,

Na kahit paulit-ulit kaming nagkakamali, nariyan parin kayo, itinatama ang nagawang pagkakamali.


Sa bawat oras na lumilipas, araw, buwan, at taon, hindi mo parin kami binibigo, 

Hindi mo kami hinahayaang maligaw at hinding hindi namin iyon malilimutan. 

Kada klaseng papasukan, higit kuwarentang estudyante ang tuturuan, 

Maliit man ang sweldo, basta't may maituro, hindi magrereklamo. 


Habang bitbit ang mga kagamitan, 

Kinakaya ang init at ulan upang kami lamang ay iyong maturuan.

Kaya lubos kami sa iyo'y nagpapasalamat, 

Sa inyo, kami ay pumupugay. 


Hindi man namin saksi ang iyong paghihirap, ngunit alam naming

Sa likod ng iyong mga ngiting nagtatamisan, may luhang papatak at huhugot ulit ng lakas. 

Hindi ka nabigong iparamdam sa amin 

Na mayroon kaming IKAW habang kami'y nahihirapan. 


Kayo ay aming tinitingala tulad ng nagniningninang mga tala, 

Kayo ay tila isang likas na yaman na dapat ingatan, 

Kayo ang dahilan kung bakit may trabaho ang mga kabataan,

KAYO, maraming salamat sa walang sawa ninyong pagtuturo. 


Kayo ay hindi lamang isang "GURO",

Na nagtuturo upang makatanggap ng sweldo

Kayo ay isang "BAYANI"

Na tatatak at mananatiling buhay sa aming PUSO.



Members:

Tagayuna, Jannela Ashley V.
Jaramillo, Janelle Shane
Llanes, Carla Mae
Antiporda, Khian Zhane
Rabang, Julyane Bethany
Wong, Zandara
Quiocho, Jhon Carlo

Comments